Gusto ko lamang gumawa ng kumento hinggil sa pangyayari na hindi ko inaasahan. Sinasabing ang ating gobyerno ang dapat na nagunguna sa pagbibigay ng mga pangangailangan ng mamamayan. Hindi ko tinutukoy dito ang pangangailangang personal kundi yong mga bagay na nakakaapekto sa mga mamamayan.Nakalulungkot lang isipin na kung ano ang nakikita ng mga kabataan ngayon sa ating kalagayang pampulitika ay ganun din ang ginagawa-kahit alam nilang mali.
Maraming mga pagkakamali. Ngunit gusto kong ipagdiinan ang isang bagay na may kinalaman sa nangyaring proyekto at ito ay pangyayari sa student government.
Kamakailan lamang ay dumalo ako sa isang leadership seminar na isinagawa ng stud. govt. Nangako ang pangulo na anumang proyekto na gagawin ng mga organisasyon ay susuportahan nila at at may Php 2,000 na nakalaan bilang tulong pinansyal kalakip ng prpject proposal.
Naisipan kong gumawa ng proposal para magkaroon ng pondo ang aming proyekto. Dahil sa tatlong klase ang kasali, tig-Php 2,000 ang bawat isa. Ngunit nang nakagawa na ako, hindi iyon agad inaprobahan ng pangulo dahil sa hindi daw maayos ang breakdown ng budget. Una pa nito, isinumite ko ang proposal sa dalawang opisyal at sinabi nilang kailangan pa itong aprobahan ng board. Nakakapikon dahil sa tono ng kanilang pananalita ay para bang nagpapakita sila ng kataasan ng posisyon na kung hindi nila aprobahan wala kaming magagawa. Ito ay nagsisilbi lamang na bakit iginiit na dalawa na dadaan sa board samantalang ang pangulo ay hindi maayos ang breakdown ng budget.
Mas napikon pa ako ng iginigiit ng stud. govt. na aaprobahan nila ang budget kung kanila ang proyekto. Sa madaling salita sila ang nag-organisa. Sino naman ang tanga na tatanggapin ang kanilang panukala na wala namang kaalam-alam sa proyekto.
Gusto kong linawin sa lahat. Ang anumang bagay na hindi sayo ay wag mong aangkinin. Eh, gusto na lamang yatang magpa-pogi ang mga namumuno sa stud. govt. sa mga tao para lamang sabihin na may ginagawa sila. Sila dapat ang dumidepensa sa mga estudyante hindi magpakita ng kanilang pagiging arogante. Bakit, kanino ba galing ang pera nilang ginagamit?????
Kapalaluan para sa mga namumuno ng gobyerno ng bansa at estudyante.
Lunes, Disyembre 1, 2008
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento