Biyernes, Nobyembre 28, 2008

Closing Program

Matapos man ang aming paghahanda para sa literary contest, hindi pa rin tapos ang aming paghahanda para sa huling programa. Patuloy pa rin kami sa mga bagay na kailangang asikasuhin para maging maganda ang aming pagtatangahl. Kinailangan naming pagtuunan ng pansin ang bawat detalye ng paghahanda sa Closing Program dahil sa mayroong mga guro mula sa ibang departamento at mga namumuno sa paaralan.

Hindi naging madali ang aming paghahanda dahil sa kakulangan sa pondo at pagkakaisa mula sa iba pang klase. Ngunit lubos naman ang suporta na ibinigay sa aming mga namumuno ng klase ng aming mga kamag-aral. Kinakapos na rin kami ng oras dahil sa dalawang araw lamang ang natitirang pagkakataon namin para makapaghanda.

Noon pa man, hindi ko na inaasahan na dumalo ang mga natatanging tao sa paaralan at wari ba'y nakikiisa din sila sa aming adhikain. Isa na ang bantog na manunulat sa Bicol na si G. Chancoco. Ganunpaman, sa kabila ng aming pagod nagkaroon kami ng maganda at matagumpay na pagtatapos ng proyekto.

Dito naganap ang pagbibigay ng sertipiko at pagkilala sa mga tao o organisasyong nagbigay suporta at pagkilala sa aming proyekto. Pasasalamat din ang aming iginawad sa mga hurado, mga namumuno sa paaralan pati na rin aking mga kamag-aral. Naganap din ang pagbibigay parangal sa mga nanalo sa Poster Making Contest at Literary Contest na isinagawa noong ika-26 ng Nobyembre.

Walang komento: