Lahat ng magaaral lalo na ng mga namumuno sa klase na paghandaan ang nalalapit na pagdiriwang ng National Book Week na pinangungunahan ng Teacher Education Department na kinabibilangan ng BEEd 2, BEEd 3 at BSEd 2.
Isa-isa nang ibinigay sa mga magaaral ang mga kinakailanganng gawin dahil sa isang linggo lang naman ang paghahanda na nakalaan para sa paghahanda. Sa aming klase, napunta sa amin ang paghahanda para sa Literary Contest sa pagsulat ng Tigsik at Rawit-Dawit. Pinangunahan ng aming Pangulo na si Edizon Canas ang mga pagtatalaga ng mga gawaing paghahanda para mapabuti at maayos ang kalalabasan ng aming inihandang patimpalak.Katulong din ng Pangulo ang iba pang namumuno na taos-puso ang ibinigay na suporta para sa proyekto na pinasinayaan ng aming guro sa Filipino.
Unang ginawa ng aming grupo ay ang pagpapaalam sa aming Dekana para sa gaganaping proyekto para maisagawa ang mga susunod pang mga dapat gawin. Paktapos nito ay gumawa ng mga sulat paanyaya para sa mga hurado, sulat na humihinhi ng pahintulot sa mga kinauukulan ng paaralan, paghahanap ng mga sponsors para sa mga premyo, paghahanda sa venue at iba pang mga kinailangan ng aming programa.
Dito sa aming paghahanda, naging isang hamon sa aming kakayahan ang nangyari sapagkat una ito sa aming karanasan na magasagawa ng school-wide na programa.
Biyernes, Nobyembre 21, 2008
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento