Biyernes, Disyembre 5, 2008

Pacman sa Mundo

Sa nakaraang mga buwan inabangan ng mga Pilipino sa loob at labas ng bansa at ng lahat ng lahi sa mundong ang laban ng dalawa sa pinakamagigiting na boksingero ng panahon. Isa dito ay pambato ng Mexico na si Oscar "The Golden Boy" de la Hoya at ang isa naman ay si Manny "Pacman" Pacquiao.

At ito na nga, ika-7 ng Disyembre taong kasalukuyan magaganap ang isa sa pinakahihintay na laban ng milenyo. Hindi inaasahan ang dalawa na sasagupa sa bawat isa dahil kung matatandaan kasangga ni Pacman si Oscar kahit na noon kalaban ni Pacman ang mga kalahi ni Oscar tulad nina Erik Morales, Juan Manuel Marquez at iba pa.

Ang tagumpay na naabot ni Pacman sa mundo ng boksing ay talaga namang kahanga-hanga. Natatandaan ko pa nang nagsisimula pa lamang sya sa boksing na lumaban noon sa Thailand. Ang laban ni Pacmn noon na nagpatumba sa isang Thai sa mismo nitong lupa ay ang simula ng pagangat ng kanyang karera.Hanggang sa ngayon na patuloy pa rin siya sa pagangat at umaani ng papuri at pagkilala hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Nararapat lamang na bigyang pagkilala si Pacman lalo na ng mga Pilipino dahil sa minsan lamang sa napakaraming taon na ang Pilipinas ay kinikilala at pinupuri ng ibang lahi. Sa kabila ng mabagal at mahinang takbo ng ekonomiya, mababang kaledad ng buhay ng mga tao sa Pilipinas at di matapos-tapos na gulo sa politika kailangan ng mga bagay na nagpapaangat sa ating mga Pilipino.

Nakakalungkot lang na isipin na mayroon pa ring mga Pilipino na mayroong tinatawag na "CRAB MENTALITY". Ito marahil ang patuloy na nakaaapekto sa mabagal na pagangat ng ating ekonomiya dahil sa hindi natin nakikita ang kagandhang dulot ng tagumpay ibang tao. Ayaw tayong makakita ng iba na umaangat. Marami pa rin kasi na mga Pilipino na naiinggit sa tagumpay ni Pacman.

Anuman man ang kaginhawaan ng pamilya ni Pacman ay dugo at pawis ang ipinuhunan doon. Siguro naman, habang dinidisiplina ni Pacman ang kanyang sarili na huwag manigarilyo, huwag uminom, bumabangon ng maaga para sa pgeensayo ikaw naman ay easy-go-lucky. Gumigising ng alas-8, maghapong umiinom at naninigarilyo pa. Matatapos ang buong maghapon na tambay. Ano ang mangyayri saiyo at sa iyong pamilya nyan?

Ang tagumpay ni Pacman ay tagumpay niya, ng kanyang pamilya at ng buong Pilipino.

Walang komento: