Lunes, Disyembre 8, 2008

Year

Pasko

Isang magandang pagkakataon ang nangyaring paghahanda ng aming klase para sa gaganapin na Year End Party ng aming klase. Sa kabila ng mga paghihirap na nararanasan ng mga Pilipino, ay mahirap pa rin iwanan ang mga nakagawiang mga tradisyon tulad ng pagsasaya at pagsasama-sama ng pamilya, mga kamag-aral at katrabaho.

Nagpapakita lamang ito na ang mga tao ay nasa direksyon pa rin ng pagkakaisa at pagbibigayan lalo na sa napapanahon ang pagkakataong ito. Halos lahat ng tao ay naghahanda para sa pagdiriwang ng naiibang okasyon na ito. Nakaaaliw ang mga mga bata at pati na rin ang matatanda na namamasko sa bahay-bahay. Isang antisipasyon pa rin ng marami na kailangang ipagdiwang ang kapanganakan ni Hesus.

Anuman ang dahilan na kailangang ipasalmat ng bawat isa sa atin para sa pagdiwang pasko ay hindi maikakaila na hindi pa rin nawawala sa mga Pilipino ang pagdiwang ng pinakaaabangang Pasko ng lahat.

Biyernes, Disyembre 5, 2008

Pacman sa Mundo

Sa nakaraang mga buwan inabangan ng mga Pilipino sa loob at labas ng bansa at ng lahat ng lahi sa mundong ang laban ng dalawa sa pinakamagigiting na boksingero ng panahon. Isa dito ay pambato ng Mexico na si Oscar "The Golden Boy" de la Hoya at ang isa naman ay si Manny "Pacman" Pacquiao.

At ito na nga, ika-7 ng Disyembre taong kasalukuyan magaganap ang isa sa pinakahihintay na laban ng milenyo. Hindi inaasahan ang dalawa na sasagupa sa bawat isa dahil kung matatandaan kasangga ni Pacman si Oscar kahit na noon kalaban ni Pacman ang mga kalahi ni Oscar tulad nina Erik Morales, Juan Manuel Marquez at iba pa.

Ang tagumpay na naabot ni Pacman sa mundo ng boksing ay talaga namang kahanga-hanga. Natatandaan ko pa nang nagsisimula pa lamang sya sa boksing na lumaban noon sa Thailand. Ang laban ni Pacmn noon na nagpatumba sa isang Thai sa mismo nitong lupa ay ang simula ng pagangat ng kanyang karera.Hanggang sa ngayon na patuloy pa rin siya sa pagangat at umaani ng papuri at pagkilala hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Nararapat lamang na bigyang pagkilala si Pacman lalo na ng mga Pilipino dahil sa minsan lamang sa napakaraming taon na ang Pilipinas ay kinikilala at pinupuri ng ibang lahi. Sa kabila ng mabagal at mahinang takbo ng ekonomiya, mababang kaledad ng buhay ng mga tao sa Pilipinas at di matapos-tapos na gulo sa politika kailangan ng mga bagay na nagpapaangat sa ating mga Pilipino.

Nakakalungkot lang na isipin na mayroon pa ring mga Pilipino na mayroong tinatawag na "CRAB MENTALITY". Ito marahil ang patuloy na nakaaapekto sa mabagal na pagangat ng ating ekonomiya dahil sa hindi natin nakikita ang kagandhang dulot ng tagumpay ibang tao. Ayaw tayong makakita ng iba na umaangat. Marami pa rin kasi na mga Pilipino na naiinggit sa tagumpay ni Pacman.

Anuman man ang kaginhawaan ng pamilya ni Pacman ay dugo at pawis ang ipinuhunan doon. Siguro naman, habang dinidisiplina ni Pacman ang kanyang sarili na huwag manigarilyo, huwag uminom, bumabangon ng maaga para sa pgeensayo ikaw naman ay easy-go-lucky. Gumigising ng alas-8, maghapong umiinom at naninigarilyo pa. Matatapos ang buong maghapon na tambay. Ano ang mangyayri saiyo at sa iyong pamilya nyan?

Ang tagumpay ni Pacman ay tagumpay niya, ng kanyang pamilya at ng buong Pilipino.

Miyerkules, Disyembre 3, 2008

Year End Party

Kamakailan lamang ay natapos naming isakatuparan ang aming proyekto na National Book Week Celebration. Ngunit hindi pa tapos ang aming mga tungkulin sa aming klase kabilang na ang paparating na Year End Party na gaganapi sa ika-18 ng Disyembre.

Nagdesisyon ang aming tagapayo na gawin naming Year End Party kaysa sa Christmas Party. Itong pagbabagong ito ay para bigyang daan ang aming mga kamag-aral na hindi nagdiriwang ng Pasko.

Malaki naman ang nagawang pag-unawa at pagsangayon ng aking mga kasamahan sa klase lalo na ng mga namumuno sa kadahilanang kailangan naming magkaroon ng pagsasama-sama kahit sa isang taon. Ito ang pagkakataon para kami ay magkaroon ng pagsasayahan at pagpapakawala ng aming mga problema sa loob ng bahay at klase.

Inaasahan ko lang na magsipagdalo ang lahat sa aming kasiyahan at bigyang daan ang pagkakaisa at pagkakaunawaan ng lahat ng tao anuman ang kasarian, kalagayang panlipunan, etnikong kinabibilangan at relihiyon.

Lunes, Disyembre 1, 2008

Kapalaluan

Gusto ko lamang gumawa ng kumento hinggil sa pangyayari na hindi ko inaasahan. Sinasabing ang ating gobyerno ang dapat na nagunguna sa pagbibigay ng mga pangangailangan ng mamamayan. Hindi ko tinutukoy dito ang pangangailangang personal kundi yong mga bagay na nakakaapekto sa mga mamamayan.Nakalulungkot lang isipin na kung ano ang nakikita ng mga kabataan ngayon sa ating kalagayang pampulitika ay ganun din ang ginagawa-kahit alam nilang mali.

Maraming mga pagkakamali. Ngunit gusto kong ipagdiinan ang isang bagay na may kinalaman sa nangyaring proyekto at ito ay pangyayari sa student government.

Kamakailan lamang ay dumalo ako sa isang leadership seminar na isinagawa ng stud. govt. Nangako ang pangulo na anumang proyekto na gagawin ng mga organisasyon ay susuportahan nila at at may Php 2,000 na nakalaan bilang tulong pinansyal kalakip ng prpject proposal.

Naisipan kong gumawa ng proposal para magkaroon ng pondo ang aming proyekto. Dahil sa tatlong klase ang kasali, tig-Php 2,000 ang bawat isa. Ngunit nang nakagawa na ako, hindi iyon agad inaprobahan ng pangulo dahil sa hindi daw maayos ang breakdown ng budget. Una pa nito, isinumite ko ang proposal sa dalawang opisyal at sinabi nilang kailangan pa itong aprobahan ng board. Nakakapikon dahil sa tono ng kanilang pananalita ay para bang nagpapakita sila ng kataasan ng posisyon na kung hindi nila aprobahan wala kaming magagawa. Ito ay nagsisilbi lamang na bakit iginiit na dalawa na dadaan sa board samantalang ang pangulo ay hindi maayos ang breakdown ng budget.

Mas napikon pa ako ng iginigiit ng stud. govt. na aaprobahan nila ang budget kung kanila ang proyekto. Sa madaling salita sila ang nag-organisa. Sino naman ang tanga na tatanggapin ang kanilang panukala na wala namang kaalam-alam sa proyekto.

Gusto kong linawin sa lahat. Ang anumang bagay na hindi sayo ay wag mong aangkinin. Eh, gusto na lamang yatang magpa-pogi ang mga namumuno sa stud. govt. sa mga tao para lamang sabihin na may ginagawa sila. Sila dapat ang dumidepensa sa mga estudyante hindi magpakita ng kanilang pagiging arogante. Bakit, kanino ba galing ang pera nilang ginagamit?????

Kapalaluan para sa mga namumuno ng gobyerno ng bansa at estudyante.

Biyernes, Nobyembre 28, 2008

Closing Program

Matapos man ang aming paghahanda para sa literary contest, hindi pa rin tapos ang aming paghahanda para sa huling programa. Patuloy pa rin kami sa mga bagay na kailangang asikasuhin para maging maganda ang aming pagtatangahl. Kinailangan naming pagtuunan ng pansin ang bawat detalye ng paghahanda sa Closing Program dahil sa mayroong mga guro mula sa ibang departamento at mga namumuno sa paaralan.

Hindi naging madali ang aming paghahanda dahil sa kakulangan sa pondo at pagkakaisa mula sa iba pang klase. Ngunit lubos naman ang suporta na ibinigay sa aming mga namumuno ng klase ng aming mga kamag-aral. Kinakapos na rin kami ng oras dahil sa dalawang araw lamang ang natitirang pagkakataon namin para makapaghanda.

Noon pa man, hindi ko na inaasahan na dumalo ang mga natatanging tao sa paaralan at wari ba'y nakikiisa din sila sa aming adhikain. Isa na ang bantog na manunulat sa Bicol na si G. Chancoco. Ganunpaman, sa kabila ng aming pagod nagkaroon kami ng maganda at matagumpay na pagtatapos ng proyekto.

Dito naganap ang pagbibigay ng sertipiko at pagkilala sa mga tao o organisasyong nagbigay suporta at pagkilala sa aming proyekto. Pasasalamat din ang aming iginawad sa mga hurado, mga namumuno sa paaralan pati na rin aking mga kamag-aral. Naganap din ang pagbibigay parangal sa mga nanalo sa Poster Making Contest at Literary Contest na isinagawa noong ika-26 ng Nobyembre.

Miyerkules, Nobyembre 26, 2008

National Book Week Celebration

Ito ang araw na pinaghandaan ng tatlong klase sa Teacher Education Department- ang National Book Week Celebration. Ang aming programa ay isinama na rin namin bilang isa sa mga programa sa Activity Day ng aming paaralan.

Inaasahan namin na kami ay magkakaroon ng kaunting kalahok para sa Literary Contest na aming inihanda sapagkat hindi masyadong kilala ang Rawit-Dawit at Tigsik sa mga kabataan ngayon. Ito ay kakaiba sa kanilang pandinig katulad noong una ko rin itong marinig mula sa mga taong nagmamahal ng literaturang Bikol. Inaasahan ng aming grupo na mapalawak ang mga batang may alam at tatangkilik ng literatturang Bikol hindi lamang Bikolano at Bikolana kung hindi pati na rin ang ibang ethnic groups sa Pilipinas at ibang lahi sa mundo.

Natapos ang pagtanggap ng literary entries bandang ala-una ng hapon para bigyang daan ang iba pang magaaral na magbigay ng kanilang mga entries. Samantala, nagsimulang pumili ng mga magagaling na entries ang mga hurado na mula sa iba't-ibang departamento ng aming paaralan at kapwa nagtuturo ng literatura.

Nagkaroon din kami ng Income-Generating Project na tindahan sa labas ng aming College Libraray.