Matapos man ang aming paghahanda para sa literary contest, hindi pa rin tapos ang aming paghahanda para sa huling programa. Patuloy pa rin kami sa mga bagay na kailangang asikasuhin para maging maganda ang aming pagtatangahl. Kinailangan naming pagtuunan ng pansin ang bawat detalye ng paghahanda sa Closing Program dahil sa mayroong mga guro mula sa ibang departamento at mga namumuno sa paaralan.
Hindi naging madali ang aming paghahanda dahil sa kakulangan sa pondo at pagkakaisa mula sa iba pang klase. Ngunit lubos naman ang suporta na ibinigay sa aming mga namumuno ng klase ng aming mga kamag-aral. Kinakapos na rin kami ng oras dahil sa dalawang araw lamang ang natitirang pagkakataon namin para makapaghanda.
Noon pa man, hindi ko na inaasahan na dumalo ang mga natatanging tao sa paaralan at wari ba'y nakikiisa din sila sa aming adhikain. Isa na ang bantog na manunulat sa Bicol na si G. Chancoco. Ganunpaman, sa kabila ng aming pagod nagkaroon kami ng maganda at matagumpay na pagtatapos ng proyekto.
Dito naganap ang pagbibigay ng sertipiko at pagkilala sa mga tao o organisasyong nagbigay suporta at pagkilala sa aming proyekto. Pasasalamat din ang aming iginawad sa mga hurado, mga namumuno sa paaralan pati na rin aking mga kamag-aral. Naganap din ang pagbibigay parangal sa mga nanalo sa Poster Making Contest at Literary Contest na isinagawa noong ika-26 ng Nobyembre.
Biyernes, Nobyembre 28, 2008
Miyerkules, Nobyembre 26, 2008
National Book Week Celebration
Ito ang araw na pinaghandaan ng tatlong klase sa Teacher Education Department- ang National Book Week Celebration. Ang aming programa ay isinama na rin namin bilang isa sa mga programa sa Activity Day ng aming paaralan.
Inaasahan namin na kami ay magkakaroon ng kaunting kalahok para sa Literary Contest na aming inihanda sapagkat hindi masyadong kilala ang Rawit-Dawit at Tigsik sa mga kabataan ngayon. Ito ay kakaiba sa kanilang pandinig katulad noong una ko rin itong marinig mula sa mga taong nagmamahal ng literaturang Bikol. Inaasahan ng aming grupo na mapalawak ang mga batang may alam at tatangkilik ng literatturang Bikol hindi lamang Bikolano at Bikolana kung hindi pati na rin ang ibang ethnic groups sa Pilipinas at ibang lahi sa mundo.
Natapos ang pagtanggap ng literary entries bandang ala-una ng hapon para bigyang daan ang iba pang magaaral na magbigay ng kanilang mga entries. Samantala, nagsimulang pumili ng mga magagaling na entries ang mga hurado na mula sa iba't-ibang departamento ng aming paaralan at kapwa nagtuturo ng literatura.
Nagkaroon din kami ng Income-Generating Project na tindahan sa labas ng aming College Libraray.

Lunes, Nobyembre 24, 2008
Unang Araw
Inaasahan na sa araw na ito ang simula ng aming eksibit. Kaya naman ay lubos ang aking pagmamadali para makahabol ako ng ika-alas siyete para makapaghand para sa eksibit. Nalaman ko na lamang na sa Miyerkules pa ang simula. Una ko kasing nalaman na ang eksibit ay para sa buong linggo, napilitan pa akong makiusap sa isa naming guro na payagn kaming huwag pumasok sa klase para magkaroon kami ng tamang oras ng paghahanda. Kung tutuusin, napapansin ko nga ang ibang klase na wari'y hindi nasisindak sa papalapit na araw ng aming programa.
Ngunit kung ano pa man ang aking mga maling akala, hindi maikakaila na malaki ang naging suporta sa akin at sa iba ko pang class officers mula sa aking mga kamag-aral pati na rin mula sa BEEd 3 at BSEd 2.

Biyernes, Nobyembre 21, 2008
Mga Paghahanda
Lahat ng magaaral lalo na ng mga namumuno sa klase na paghandaan ang nalalapit na pagdiriwang ng National Book Week na pinangungunahan ng Teacher Education Department na kinabibilangan ng BEEd 2, BEEd 3 at BSEd 2.
Isa-isa nang ibinigay sa mga magaaral ang mga kinakailanganng gawin dahil sa isang linggo lang naman ang paghahanda na nakalaan para sa paghahanda. Sa aming klase, napunta sa amin ang paghahanda para sa Literary Contest sa pagsulat ng Tigsik at Rawit-Dawit. Pinangunahan ng aming Pangulo na si Edizon Canas ang mga pagtatalaga ng mga gawaing paghahanda para mapabuti at maayos ang kalalabasan ng aming inihandang patimpalak.Katulong din ng Pangulo ang iba pang namumuno na taos-puso ang ibinigay na suporta para sa proyekto na pinasinayaan ng aming guro sa Filipino.
Unang ginawa ng aming grupo ay ang pagpapaalam sa aming Dekana para sa gaganaping proyekto para maisagawa ang mga susunod pang mga dapat gawin. Paktapos nito ay gumawa ng mga sulat paanyaya para sa mga hurado, sulat na humihinhi ng pahintulot sa mga kinauukulan ng paaralan, paghahanap ng mga sponsors para sa mga premyo, paghahanda sa venue at iba pang mga kinailangan ng aming programa.
Dito sa aming paghahanda, naging isang hamon sa aming kakayahan ang nangyari sapagkat una ito sa aming karanasan na magasagawa ng school-wide na programa.

Lunes, Nobyembre 17, 2008
Eleksyon
Inaasahan na sa taong 2010, magkakaroon uli ng pagpili sa mga bagong mamumuno sa ating bayan mula Presidente hanggang sa Barangay Kagawad. Ang ganitong pagkakataon ay nagpapakita lamamg na ang mga Pilipino ay gusto ang demokratikong uri ng pamahalaan.
Gusto ko lamang magbigay ng opinyon sa ating eleksyon sa ngayong panahon. Ang eleksyon ay dapat sumasalamin ng mga boses ng mamamayng Pilipino ngunit hindi na ito ang nangyayari. Malungkot kung iisipin. Una, gusto kong pagdiinan na ang eleksyon natin na tumatakbo nang ilang dekada at siguro sa mga susunod pang mga taon ay pagkakataon para sa mga botante para gumawa ng korapsyon sa mga kandidato at pagkakataon din para sa mga namumuno na makakuha ng maraming botante na iluluklok sila sa kapangyarihan para gumawa ng korapsyon.
Anong ibig sabihin? Ang sinasabing talamak na korapsyon ng ating pamahalan (kasali na ang lahat na namumuno mula barangay hanggang ehekutibo) kung meron man, ay hindi lamang dapat sa kanila ibuntong kundi pati na rin sa mga tao- na siyang ngluluklok sa mga taong ito. Ang mga botante ang unang nagiging korap dahil sa hindi o sinasadyang ayaw pumunta sa presento para bumoto nang walang nakuhang pera mula sa mga kandidato. Kapag nanalo na ang kandidato, ang susunod niyang gagawin ay maibalik ang perang nagasta nya mula sa elksyon. Kapag pareho pang gumasta ang magkatunggali sa eleksyon ay maaari pa itong mauwi sa patayan. Tanda ko pa nang sinabi ni Ted Failon noong nakaraang eleksyon na "nagpapatayan sila makapagsilbi lamang sa bayan".
Bakit nga ba ganito ang nangyayari? Ang tanging solusyon na makakapagpapatigil sa ganitong gawain ay EDUKASYON para sa lahat. Kailangang maturuan ang mga tao kung paano magkaroon ng disiplina at tamang edukasyon para magkaroon ng tamang direksyon at pnnaw ang ating sarili at matugunan ang pagbabago na matagal nang ninanais ng bawat isa.

Biyernes, Nobyembre 14, 2008
Usaping Panlipunan
Sa mga pagkakatong ang ating lipunan ay nakararnas ng krisis panekonomiya, inaasahan ang pagkakaisa at pagintindi ng bawat tao dahil isa ito sa mga nakababawas ng lalong pagkalugmok sa ating kalagayan.
Kailangang maintindihan ng lahat na ang gobyerno ay ang pangunahing ahensya ng ating bayan na nagbibigay ng kasagutan sa panlipunang krisis, pagkakaisa at pagunlad kung kaya't hindi lahat ng problema napagtutuunan ng pansin lalong-lalo na ang pampamilyang usapin. Ito ay nangangahulugan lamang na hindi kailangang iasa ang lahat sa pamahalaan para matugunan ang pangaraw-araw na kailangan ng bawat pamilya.
Batid ko na anumang pagbabagong politikal o sosyal ay lubos na nakaaapekto sa bawat mamamayan kaya naman ay lalong dapat pagtuunan ng pansin ang mga desisyong pinapatupad ng mga namumuno. Sa ganitong paraan hindi lamang ang gobyerno ang naghahanap ng lunas sa ating krisis kundi krisis na nararanasan ng bawat pamilyang Pilipino.
Hangad ko na inaasahang maging mulat sa katutuhann ang lahat ng mga Pilipino na magkaisa para sa ikauunlad ng pamilyang Pilipino at pati na rin ang bansang Pilipinas.

Miyerkules, Nobyembre 12, 2008
Unang Araw
Isang karangalan na bihasa sa kanyang ituturong asignatura ang aming bagong guro na si G. Irvin Sto Tomas. Dahil sa bago ang larangan ng pagtuturo na di tulad sa kanyang nakagawian, maaaninag sa kanyang mukha at kilos ang mga katangian ng isang guro na gustong magpakitang gilas sa larangang kanyang pinasok. Ito ay nagpapatunay lamang na kahit sinong tao na binigyan ng pagkakataon sa isang pagsubok na masasabi rin nating binigyang pagtitiwl ng iba ay gagawin ang mga bagay na sa kanyang palagay ay makabubuti sa mga tao na knyng nasasakupan.
Nabigla man ang karamihan sa mga pagbabago ng pagpapalakad sa katauhan ni G. Sto Tomas na wari ba'y isang banyaga na sumakop at nagutos ng mg pagbabago sa mga nakagawian ng marami. Mga pagbabagong alam ng nakararami na tunay na may kapakinbangang makukuha ang mga magaaral sa mga bagong kaisipan na dala. Hindi lubos mawari ng aking isipan nang mga unang araw na binigyan kami ng mga programa na sa aming tanto ay mahirap at nakakakapagtaka na mangyari dahil sa isa lamang iyong ilusyon para sa mga magaaral ng pampublikong paaralan.
Hangang sa ngayon ay marami pa rin ang nagtataka at naghahanap ng katanungan ng kakaibang pamamalakad ng aming guro sa Filipino ngunit masasabi rin namang kapupulutan ng aral at kaalaman sa pag-oorganisa ng naturang programa.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)